Wednesday, February 17, 2010

Girlie and Friends

Even before Alvin and I got married, he already told me that we'd be bringing Girlie, their househelp, with us when we make bukod. I was okay with that because at least we're sure na may kasama na kami sa bahay. Suicide kaya pagako gagawa ng lahat ng house chores! At saka diba, anong i-uulam ng asawa ko everyday? -- sunog na kanin tska hotdog, with an occasional turon =) hehehe..

Anyways, super sulit ang Girlie. Mabait na bata, hindi assuming and masipag. Minsan nga lang tuliro but that i can tolerate kasi okay naman siya over-all. Super madiskarte pa, like the following instances:


INSTANCE #1

The gap of our house gate's bars are far apart. Si Havi tuloy nakakalabas.

GIRLIE: Ate, kelangan natin ng chicken wires na ilagay sa baba para di makalabas si Havi.

ME: Sige, I'll tell Alvin na bumili

But after 20 years, di pa din nakakabili si Alvin kasi busy. Then I woke up one day, may chicken wire na yung gate.

ME: Girlie, san galing to?

GIRLIE: Kay Ate Babes po Ate. Binigyan niya tayo ng chicken wires tpos siya na din nagkabit.

ME: Sino si Ate Babes?!

GIRLIE: Yung katulong po dyan sa malaking bahay sa tapat natin.

Odivah?!


INSTANCE #2

ME: Girlie, san galing tong Glade? (The one you spray sa clothes para mabilis i-iron. Di ako bumibili nun kasi mahal! I thought pwede naman tubig na lang)

GIRLIE: Kay Ate Babes po.

ME: Ay isoli mo na yan. Baka hanapin sayo, puno pa e..

GIRLIE: Ay hindi po Ate. Atin na daw yan. Madami daw silang ganyan.

ME: OMG! Di ba nakakahiya yun?

GIRLIE: Ganun talaga Ate. Sila naman yung nakakadami kaya magbigay naman sila sa atin..

May ganun?! hehehe!


INSTANCE #3

ME: Hay! Ang sarap siguro ng hilaw na mangga ngayon no? Pabili tayo sa palengke sa weekend

After 1 hour, Girlie came inside our house carrying 4 indian mangoes.

ME: O? San galing yan?

GIRLIE: Kay Ate Babes

ME: Binili mo sa kanya?

GIRLIE: Hindo po ate. Bigay lang niya.

Okay pala tong si Ate Babes eh! Parang fairygod mother! haha! Mas okay ang Girlie! Kilala kung kanino makikipagfriendship!



Girlie also is my source of neighborhood chismis.

GIRLIE: Ate, grabe yung nasa kabilang bahay natin! Buntis tpos naninigarilyo pa! Tpos iyak pa ng iyak habang nasa cellphone. Bakit daw hindi siya dinadalaw nung nakabuntis sa kanya. Kelangan din daw siya ng bata!

ME: Akala ko buntis pa lang?

GIRLIE: Oo, pero may anak na siya dun sa una. Kabit lang siya tpos nagpabuntis na naman ulit!

Marunong! hehe



One day, someone was calling Girlie at our gate.

ME: Sino yun?

GIRLIE: Yung katulong po sa kabila, nanghihingi ng box, lalagyan niya ng gamit kasi maglalayas na daw siya. Sinabi ko bat siya maglalayas, eh wala naman siyang pupuntahan. Sira ulo din!

ME: Bakit daw siya maglalayas?

GIRLIE: Kasi 500pesos lang sweldo niya every month. Tpos, pinipilit pa siya nung amo niya na magtong-its. Ang pangtaya niya, yung sweldo niya. Eh hindi siya marunong magtong-its kaya lagi siyang talo. Ubos lagi yung sweldo niya. Sabi ko unfair yung ginagawa sakanya kasi dapat ang sweldo niya mga 2,000 pesos. Sabi ko wag siyang pumayag ng ganun.

ME: Eh ikaw pala may kasalanan e! Tpos magagalit ka na maglalayas siya e brinain wash mo na?

Kaloka! hahaha!

1 comment:

  1. parang ayoko maging helper si Ate Babes...masyadong generous :P

    ReplyDelete