Thursday, May 30, 2013

Sari Saring Kwento On A Thursday

Anika was watching something on her iPad while Alvin and I were on our phones, Instagramming like there's no tomorrow. (throwback Thursday kasi today eh)

ANIKA: Tatay! Please buy me this! Please buy me this!

ME: Hanep. Lagi ka na lang Anika, please buy me this!

ALVIN: Kanino pa ba magmamana yan?!

ME: Ayos ha. Pagbuy me, ako na agad?!

ALVIN: Sige nga. Sino ba ang gumawa sa batang yan. Tayong dalawa di ba?! Eh sino mas madalas magsabi ng "please buy me this!"?

ME: Ako agad?!

ANIKA: Tataaaaayyy!!! Please buy me thissss!!!!

Anak ng teteng.

-------------------------------------------------------------------------

I miss writing about the Sombrero Sitcom. Wala na kasing ma-sitcom dito sa bahay eh. Our househelp is very quiet. As in she will talk only when you talk to her. Sometimes nga you're talking to her na pero hindi ka pa din niya kinakausap. Baka may hearing problem siya. I dunno. I never asked. Sometimes naman, when I tell her to do something, she'll do the exact opposite. For example, 

ME: Ateng, paki luto naman yung bacon. Wag mo na lutuin yung hotdogs.

Sa awa ng Diyos, hotdogs ang magiging ulam namin that morning.

Mga ganung levelz.

Pero I can't complain because our house is super duper clean. It's 10x cleaner than when Jekjek was cleaning it. Masipag. Sayang because she'll be leaving na to take care of her bunso. Eto na naman ako, naloloka kakahanap ng kapalit.
Hay.

Speaking of nakakaloka, Alvin went home last night and gave me a prescription for him. He went to the doctor daw earlier and he was told that he has skin asthma.

Ang daming bawal!

He can't eat chicken, eggs and cheese.

He can't eat any kind of seafood and this includes crabs, shrimps, clams, oysters, all fishes except Tilapia and Bangus.

He can't eat any food with preservatives like hotdogs, tocino, longganisa, corned beef, instant soups/noodles and all canned goods.

He can't eat mangoes, pineapples and citrus fruits.

ME: Anak ng tokwa! Ano pa ang pwede mong kainin?!

ALVIN: Ewan ko nga eh.

ME: MagSkyflakes ka na lang... With ketcup.

Wala na eh. Kamote. This is super duper challenging! What will I serve for breakfast on Saturday?!

Help?

-----------------------------------------------------------------------

On our way to Edsa Shangri La for the movie last week, may nakasabay kami sa road na isang malaking truck na puno ng pigs.

ME: Sa totoo lang Babe, naluluha ako pagnakikita ko yung mga pigs na siksikan sa likod ng truck. Papatayin na nga sila, ginagawa pa silang uncomfortable sa biyahe.

ALVIN: Madali lang yan. Parahin mo yung truck. Isakay mo dito yung mga baboy, isa isa.

Ang taba talaga ng utak ng asawa ko. Syet.

-----------------------------------------------------------------------

Wowa gave me a nice necklace.

WOWA: Baka naman suotin mo yan tapos magjeep ka.

ME: Hindi po ako nagcocommute.

WOWA: Okay lang sana kung hablutin lang yan. Eh kung batukan ka pa?!

Hanep. Hanep sa priorities.

-----------------------------------------------------------------------

Naglilitanya ako kay Alvin kanina. Aba! Past 11pm na umuwi on a weekday!

ME: Hoy bahala ka ha! Sinasagad mo yang sarili mo! Stressed ka na nga sa opisina, puyat ka pa ng puyat! Inom ka pa ng inom!

Nakatingin lang sa akin.

ME: Sige wag mong intindihin mga sinasabi ko. Bahala ka na diyan sa buhay mo pagnagkasakit ka ha!

Nakatingin pa din sa akin.

ME: Babe! Nakakapikon ka na ha!

ALVIN: May ipis sa tabi mo.

Sheeeeeeetttt!!!!

--------------------------------------------------------------

ANIKA (while with one of her hands behind her back): Close your eyes! I have surprise for you!

I closed my eyes.

ANIKA: No peeking!

ME: I'm not peeking!

ANIKA: Open your eyes!

I did.

ANIKA: Surprise!!!

She was holding a giant kulangot on her finger against my face.

Yaaaaakkk!!!



Good night guys =)


9 comments:

  1. I really miss po your sitcom.. nakakawala ng stress. ^^

    ReplyDelete
  2. I enjoyed reading, naiimagine ko how Anika's reaction when you opened your eyes.
    I have a skin asthma too pero wala namang binawal na mga ganyan ang derma ko, all she told me is stay away from dust, and kapag mainit yung panahon mas natritrigger sya talaga and yung sudden change of temperature, yung ang init-inti ngayon tapos bigla na lang uulan bigla, manonoticed nya rin yon na biglang magiging itchy bigla yung skin nya, use Oilatum soap din kasi usually kapag may skin asthma madaling madry ang skin so di sya pwede sa basta sabon lang :)

    ReplyDelete
  3. ahahaha! napatawa 'ko ni Anika!

    ReplyDelete
  4. the last kwento was the best!

    ReplyDelete
  5. hello Mommy Fleur, I have skin allergies that are similar to skin asthma din, wala namang binawal na food yung last derma na consult ko. Sa totoo lang iba iba rin mga derma, yung una kong derma ang dami ring binawal na food, damo na nga lang ang pwede kong kainin, hindi ko yun sinunod pero wala namang nangyari hindi naman lumala allergies ko. True yung sabi ni Ms Jen Arellano, sa case ko stress ang major trigger ng pamumula at pangangati, saka tama mild soap nakakabawas ng paglala, and yung bisyo daw dapat ma control, sorry napahaba :) Nakakaaliw talaga si Anika, dapat meron na syang sariling sitcom :)

    ReplyDelete
  6. Hi mommy Fleur! I have skin asthma din and uma-atake sya ng bongga if: a) sobrang init; b) stress drilon to the highest level ang peg ko; and c) eating too much ng mga bawal/trigger food. My doctor advised me not to eat TOO MUCH of eggs, chocolates, tomatoes, cheese,canned goods,rich in preservatives na mga pagkain at kung ano-ano pa na oily at malalansa na food. Pag nasobrahan ako sa mga bawal na pagkain na yan, asahan mo in less than 5 mins. kakamot-kamot na ko and to ease the pangangati, binabasa ko yung itchy areas. Kpag kasi dry sya at pinagpawisan, ay naku! bonggang pagkakamot ang nagiging hobby ko. And yes, nakakatulong yung paggamit ng mild soap.

    ang kulit ni Anika at ang cute-cute nya talaga. =)

    ReplyDelete
  7. Hahaha. Natawa ako sa ipis and kulangot story. Winner! Love your sitcoms!

    ReplyDelete
  8. michelle pastorilMay 31, 2013 at 7:25 PM

    ahahahaha tawa ako ng tawa :) isama mo sa sitcom mo yun sagot ng yaya ni maeko sayo nun pinapakain mo hahahaha.

    ReplyDelete
  9. winner si Anika Mommy Fluer!Lakas ng tawa ko thinking na tulog na ang mag ama ko, Kiber!super funny eh! reminds of my own Beebam, tatawgin ka bigla then bigla kakalikutin yung ilong mo, then sabay sabing Hmm!Nanay! tawa na lang ng malakas :)

    ReplyDelete